Knumpirma ni Philippine Ambassador to the US Babe Romualdez na muling babalik si Pangulong Bongbong Marcos sa Amerika.
Ito ay para naman dumalo sa isasagawang Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Leader’s Meeting sa Nobyembre ng susunod na taon.
Ayon kay Romualdez, inaasahang makapupulong muli ni Pangulong Marcos ang iba’t ibang mga negosyante at business groups sa US.
Dahil dito, asahan na umano ang mga bagong deals at investments na babaunin ng Pangulo pagbalik niya rito sa Pilipinas.
Makakasama ng Pangulo ang iba pang 21 APEC-member economies kung saan tatalakayin ang iba’t ibang mga areas of cooperation at stability sa rehyon.
Matatandaaang una nang kinumpirma ni US Vice President Kamala Harris na isasagawa ang 2023 APEC Meeting sa San Francisco, California.
Ito na ang unang pagkakataon na magho-host ang Amerika ng APEC mula pa noong 2011.
#
