Matapos kilalanin bilang babae sa US, mahigit limang taon na ang nakakaraan, sumailalim si BB Gandanghari sa kanyang pinakaunang mammogram, na sumusuri sa dibdib ng babae para sa early detection na cancer.
Kaugnay nito, ibinahagi ni Gandanghari sa kanyang Instagram ang physical exam na required ng medical providers sa US kada taon, para sa lahat ng babae.

Sa unang bahagi ng video, inamin ni Gandanghari na kinakabahan siya bago isagawa ang procedure, pero batid umano niya ang kahalagahan nito.
Matatandaan na unang inilantad ni Gandanghari ang tunay na pagkatao sa isang reality show noong 2006, at matapos ang isang dekada ay pormal na siyang kinilala bilang babae ng Los Angeles court. //MPT