Bayan – Sorsogon singko ang gradong ibinigay sa performance ng Pangulo

SORSOGON CITY – Singko (5) ang ibinigay na grado ng Bayan Sorsogon sa performance ni President Rodrigo Duterte bilang pangulo ng bansa.Sa pahayag ni Alex Castedades ng Bayan-Sorsogon sinabi nito na kaya ganito ang kanilang ibinigay na grado sa pangulo dahil hindi naman maikakaila na kahit papaano ay mayroon naman itong nagawa hindi lamang sapat.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Inihalimbawa ni Castedades ang tungkol sa pagkakaroon ng libreng patubig sa mga sakahan sa kung saan malaking bagay ang nasabing programa dahil hindi na kailangang magbayad pa ng mga magsasaka para sa patubig sa kanilang mga sakahan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Subalit hindi naman umano nakaligtas sa red tagging ang mga kabilang sa nasabing sektor.

Samantala umaasa naman ang nasabing grupo na ang susunod na uupong pinuno ng bansa ay magiging makatarungan, makabayan, at magpapakita ng totoong pagmamalasakit at pagmamahal sa bayan. //Meljessa Balino