Bayan ng Surallah, may bagong isolation facility mula sa OCD-12

KORONADAL CITY — PORMAL nang itinurn-over ng Office of the Civil Defense o OCD Region-12 sa municipal government ng Surallah ang bago at fully-airconditioned na Covid-19 isolation facility.

Makikita sa Barangay Centrala ng bayan ang nasabing isolation facility na pinondohan ng OCD-12 sa partnership ng local government unit ng Surallah.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Malaking tulong umano ang nasabing isolation facility upang mas maging komportable ang mga ma-isolate na Covid-19 positives sa nasabing bayan.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Una rito, ipinasiguro ng municipal government ng Surallah na sapat ang bilang ng kanilang mga isolation facilities lalo na ngayon na may naitala ng kaso ng delta variant ng Covid-19 sa nabanggit na bayan.