Bayan ng Pandan sa Catanduanes, magpapatupad na rin ng curfew at liqour ban simula ngayong araw

BNFM BICOL—Magpapatupad na rin ng curfew at liqour ban simula ngayong araw ng Sabado ang bayan ng Pandan sa lalawigan ng Catanduanes dahil sa mataas na bilang ng mga residente sa lugar na tinatamaan ng COVID-19.

Batay sa inilabas na anunsiyo ng LGU, pumalo na sa 40 ang aktibong kaso ng sakit sa kanilang bayan mula sa kabuuang 114 na mga kumpirmadong kaso ng sakit na naitala sa lugar.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Bunsod nito, napag desisyunan ng Municipal IATF na muling ipatupad ang mga nasabing restrictions, na magtatagal sa loob ng dalawang linggo o 14 na araw.

Batay sa ibinabang Executive Order ni Pandan Mayor Honesto Tabligan, pagbabawalan nang lumabas ng bahay ang mga residente sa lugar simula alas 9:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga maliban na lamang sa mga essential workers.

Sarado rin muna ang mga tourism sites habang mahigpit namang ipagbabawal ang pagbebenta, pagbili at pag inom ng alak. Bukod dito, ay hindi rin papayagan ang anumang uri ng gatherings o mga pagtitipon na maaaring maging sanhi ng COVID transmission.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Kaugnay nito, nanawagan naman sa LGU ang Pandan District Hospital na paigtingin ang implementasyon ng mga minimum public health standards dahil full capacity na ang COVID ward ng nasabing pagamutan at makiisa sa vaccination roll out upang magkaroon ng proteksyon laban sa virus.###