Isinailalim na sa State of Calamity ang bayan ng Masantol, matapos bahain ang malaking bahagi ng kanilang bayan.
Sa kasalukuyan, nasa labing anim na libong pamilya na ang apektado ng tubig baha dulot ng walang tigil na pag-ulan nitong nakalipas na linggo.
Nasa limang libo na rin ang naipamigay na relief packs ng Lokal na Pamahalaan ng bayan sa mga apektadong pamilya.
Base sa report kahapon, nasa 40 pamilya mula sa barangay Sapang Kawayan ang nailikas at kasalukuyang nasa evacuation center.
Samantala, patuloy ang panawagan ni Mayor Dan Guinto sa kaniyang mga nasasakupan partikular sa mga residente na nakatira malapit sa Pampanga River na maging alerto lalo pa’t maliban sa baha, sinabayan pa ito ng high tide.
