Bayan ng Jose Panganiban idineklara ng ASF Free

CAMARINES NORTE- Opisyal nang idineklara bilang ASF Free Municipality ang bayan ng Jose Panganiban

Sa ipinalabas na anunsyo ng Public Information Office mula sa pagiging Red Zone, ibinaba na sa Pink Zone ang zonal classification ng naturang bayan.

Ayon kay Municipal Agriculture Officer Christine de Leon, maaari na muling mag-alaga ng baboy ang mga lokal na hog-raisers sa buong kapasidad nito at makapag-apply at avail ng insu

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

rance mula sa Philippine Crop Insurance Corporation.

Dahil dito, inaasahan din ang pagdaming muli ng suplay ng baboy at posibleng pagbaba ng presyo nito sa merkado.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Personal na tinungo ni Provincial Veterinarian, Dr. Ronaldo U. Diezmo, ang tanggapan ng alkalde ng Jose Panganiban  upang gawing pormal ang deklarasyon ng ASF FREE Status. 

Sa ngayon, ikalawa ang bayan ng Jose Panganiban sa Camarines Norte na idineklara bilang ASF Free.