Bayan ng Daet zero active case na sa COVID-19

CAMARINES NORTE- Zero active case na sa COVID-19 ang bayan ng Daet na syang nangunguna sa may pinakaraming naitalang kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte

Sa pinakahuling report Daet IMT na may petsang February 26, 2022, Nasa low risk area na ng COVID-19 cases ang kanilang 25 Barangay

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa ipinalabas na datus ng emergency operations Center mas lalo pang bumagal sa 0.6% ang average daily attack rate ng COVID-19  sa naturang bayan

Umaabot na sa 1,272 ang mga pasyenteng gumaling sa sakit habang nananatili sa 67 ang mga nasawing positibo sa COVID-19 at 35 ang nasawing COVID Pneumonia Suspect/Probable

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ito ay mula sa 1,339 total cases ng COVID-10 na naitala sa naturang bayan

Samantala, Sa summary of COVID-19 cases per Barangay , pinakamaraming kasong naitala ang Brgy Camambugan na may 130, sinundan ito ng Lag-on na nakapagtala ng 124 at Magang na umabot sa 106 ang Covid-19 cases