Bayan ng Daet nakapagtala ng 2 kumpirmadong kaso ng COVID-19, LGU, naglabas ng opisyal na pahayag

CAMARINES NORTE- Kinumpirma ng Lokal na Pamahalaan  ang 2 bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa bayan ng Daet sa lalawigan ng Camarines Norte matapos ang inilabas na talaan ng Department of health (DOH) Bicol

Sa  opisyal na pahayag na ipinalabas ni Mayor Benito “B2K” Ochoa nitong June 20,2022 ang isa sa kumpirmadong kaso ay may Bicol code # 59164 habang ang isa pa na nagpositibo ay wala pang Bic]ol code #

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Si Bicol code # 59164 ay isang 30 anyos na Nurse mula sa Brgy Magang, Wala itong travel history nakaramdam ng sintomas kagaya ng Ubo, trangkaso at pananakit ng lalamunan  

Habang ang isa pang nagpositibo ay isang 28 anyos na babae mula sa Brgy IV, wala rin itong travel history habang inaalam pa ng kinauukulan ang history of exposure nito.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Ang dalawang pasyente ay isinasailalim na ngayon sa kaukulang quarantine at isolation

Tiniyak naman ng Lokal na Pamahalaan ang agarang pagsasagawa ng contact tracing ng kanilang contact tracing team  

Umapela rin ang alkalde ng kooperasyon mula sa mga mamamayan lalo na ang pagsunod sa mga health and safety protocol upang maiwasan ang lalo pa na pagkalat ng naturang sakit.