LEGAZPI CITY – Mas pinakinggan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. ang mga sumang-ayon o pumabor sa pagsusulong ng Public Utility Vehicle Modernization Program sa bansa, kaysa sa 22 senador na lumagda para sa pagsuspinde ng programa.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Joemil Mujar, Presidente ng Bicol Alliance of Transport service Entity, sinabi nito na ikinatutuwa ng mga kooperatiba ang naging anunsyo ng pangulo kahapon dahil mayorya o 80% ng PUV Operators ay nakasunod na sa programa at dapat itong ipagpatuloy.
Ayon pa kay Mujar, alam ng pangulo na halos ikapitong beses nang sinuspinde ng gobyerno ang programa dahil hindi pa umano handa ang mga ito, kokonti pa lang ang kumukuha ng mga bagong unit, ilan sa mga driver ay hindi pa miyembro ng kooperatiba at marami pang iba.
Sa ngayon, naghihintay na lamang ang mga ito na mailabas ang Local Public Transport Route Plan upang makapagsimula na ng PUVM sa Bicol.