Bato, inatasan ni Duterte noon na bantayan si Michael Yang

Ibinunyag ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na inatasan sya ni dating Davao City Mayor Rodrigo Duterte na sipilin kung may koneksyon si Michael Yang sa ilegal na droga, pero wala syang nakitang kahit ano. 

Nagsilbi si Dela Rosa bilang Davao City police chief mula 2012 hanggang 2013 bago maitalaga ni Duterte bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Sa budget hearing ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Senado, sinabi ng senador na noong nanunungkalan syang Davao City chief of police, lumutang ang pangalan ni Yang at pinabantayan sa kanya ito ng pangulo na dating mayor ng Davao.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Mababatid lumutang ang umano’y pagkakasangkot ni Yang sa illegal drug trade habang nahaharap sa imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee, na nagsisiyasat sa P8.6 bilyong government procurement na nakuha ng Pharmally Pharmaceutical Corp. 

Una nang nasangkot si Yang sa kontrobersyal na procurement matapos lumabas ang isang 2017 video kung saan makikitang pinakikilala nya ang mga opisyal ng Pharmally kay pangulong Duterte sa Davao City.