Nakatanggap ng pormal na reklamo ang City Traffic Management Office tungkol sa di umano’y pagmumura ng triycle driver sa isang batang pasahero.
Ayon kay CTMO Operation Officer Allan Mabella, pumunta sa opisina ang ina at siyam na taong gulang na bata bago inireklamo ang driver.
Nangyari ang umano’y reklamo sa kanto ng isang simbahan sa Barangay San Jose sa lunsod kung saan may ibang mga pasahero ang tricycle.
Nag-ugat ang reklamo nang malaman ng drayber na wala umanong dala-dalang pamasahe ang bata nang ito ay sasakay pa lamang ngunit magbabayad naman daw ito pagdating sa bahay.
Ang punto naman daw ng drayber ay kung wala doon sa kanilang bahay ang magulang ay papaano siya nito mababayaran.
Gayunpaman, sinisikap ng CTMO na maipagkasundo ang dalawang panig sa oras na sila’y magkaharap-harap.
Samantala, kung mapatutunayan ay maaaaring magmulta ang drayber sa pagiging “discourteous/disrespect” nito sa pasahero.