Batang nagmo-module sa labas ng hardware, Pinusuan Online

Pinusuan online ng netizens si Kevin Mark T. Abadiano, isang grade 6 student ng Barangay 1, Roxas Palawan.

Siya ang batang kinunan ng video ni Mar Cayabo Granflor noong May 31, 2022 sa harap ng isang hardware habang nagmo- module.

Ayon kay Mar, tanging ang ate na lamang ang guardian ni Kevin at sumusuporta sa pag-aaral nito. Isa rin sila sa lubhang naapektuhan nang manalasa ang bagyong ‘Odette’ sa Palawan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

“ Naisipan ko siyang i-video na parang na curious ako wala namang dumadaan doon [sa hardware] may sinusulat siya o ginagawa, assignment ganun. Nagulat ako doon siya tumatambay.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Minsanan lang naman po siya doon sir. May time lang na nandoon siya…Pinost ko ang video ni Kevin upang maging inspirasyon sa kabataan. ”- Mar Cayabo Granflor

Samantala, sa tulong ng Bulig Pilipinas Incorporated at Batang Puerto Princesa ay mayroon na ngayong Solar lighting at charger set si Kevin na makatutulong sa kanyang pag-aaral.