Batang lalaki na sinasabing kaibigan niya si Beyonce, nagkatotoo

Viral ngayon ang isang batang hinahanap ang kanyang celebrity “friend” habang ka-date ang kanyang mommy sa isang mall.

Saad ng batang si Tyler, “Mommy, where’s Beyonce?” na para bang kaibigan niya talaga ito.

Idiniin kasi ni Tyler na kaibigan niya ang American Pop star, kaya’t hinahanap niya ito sa kanilang pizza date.

Ngunit sinong mag-aakala na magkakatotoo ito?

Dahil nang makita ng team ni Beyonce ang video sa social media, agad na pinadalhan si Tyler ng bulaklak na may kasamang stuffed toy, mula mismo kay Beyonce.

Saad ni Beyonce sa isang handwritten letter, “To my friend Tyler, I see your halo!”

Ikinatuwa naman ito ng ina ng bata na si Bea Fabregas at sinabing bata pa man ang kanyang anak para maalala ito, palagi nitong ipapaalala sa kanya na hindi masamang mangarap.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *