Batang babae, patay na at nakasilid sa sako ng matagpuan sa Atimonan, Quezon; Suspek, arestado

Wala ng buhay at nakasilid pa sa sako nang matagpuan ang isang batang babae na hinihinalang ginahasa sa Barangay Zone 2, Atimonan, Quezon nitong Sabado ng hapon, Marso 2.

Sa mga kuha ng CCTV na nakalap ng mga awtoridad, nakunan ang biktima habang naglalakad sa Angeles Street kasama ang suspek na kinilalang si alyas “Peter”, 20-anyos, na noon ay hawak ang sako kung saan isinilid ang biktima.

Read More:  17-year-old student chases alleged bullies with balisong in Cebu

Dagdag pa, nagpanggap umano si alyas Peter bilang concerned citizen at mismong nagbigay alam sa mga awtoridad tungkol sa batang babae na natagpuang nakasilid sa sako.

Read More:  13-year-old identified in Cebu school shooting threat

Sa ngayon, nasa kustodiya ng awtoridad ang nasabing suspek na posibleng maharap ngayon sa kasong Rape with Homicide.