Basud MPS nagbigay pugay sa napatay na si Pat Jaypee De Guzman Ramores dahil sa di umano’y hazing

CAMARINES NORTE- Nagbigay ng kanilang huling respeto ang mga personnel ng Basud Municipal Police Station sa napatay na kasamahan sa serbisyo na si Pat Jaypee De Guzman Ramores nang dahil di umano sa hazing na kinasasangkutan din ng mga kapwa pulis.

Pinangunahan ni PMaj Melvin Atacador, Chief of Police, ang maikling programa na ginanap kahapon ng umaga sa harapan ng naturang Municipal Police Station.

Naka  half- mast ang bandila at nagsuot din ng itim na arm band at face mask ang mga personnel ng Basud MPS bilang pakikidalamhati sa pamilya ng napatay na pulis.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Mananatiling suot ng mga ito ang itim na arm band at face mask hanggang sa araw ng libing ni Ramores sa August 6 ng taong kasalukuyan.

“This unit extends its deepest condolences and assures the bereaved family that all their needs in relation to the death of Pat Ramores will be taken care of and that all possible assistance to them,” bahagi ng statement sa facebook.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Samantala, inihayag naman kahapon ng Police Regional Office 5 na nasampahan na ng kaso ang 21 personnel mula sa 503rd Maneuver Platoon, Regional Mobile Force Battalion 5.

Kasong paglabag sa Anti-Hazing Act of 2018 ang isinampa sa Masbate Prosecutors Office laban sa mga hindi pinangalanang pulis na suspek sa pagpatay sa kanilang kabaro.

(photo: Basud MPS)