Baril at mahigit ₱120k halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa 2 lalaki sa Candelaria, Quezon

Arestado ang dalawang lalaki matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsama-samang pwersa ng mga awtoridad sa Barangay Malabanban Norte, Candelaria, Quezon nitong Huwebes, Enero 18.

Ayon sa police report, bandang alas-4:40 ng umaga ikinasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto kina alyas “Jay”, 42-anyos at “Francia”, 33-anyos.

Read More:  San Lazaro Hospital ER in Manila reaches up to 500% capacity amid leptospirosis surge

Sa gitna ng operasyon, nasabat mula kay alyas Jay ang tatlong (3) sachet ng hinihinalang shabu, isang (1) sling bag, isang (1) Caliber 45 Pistol, isang (1) magasin na naglalaman ng pitong (7) piraso ng bala, at inside holster habang kasama nito si alyas Francia.

Read More:  Laundry whitening product suspected in gulaman that sickened 29 students in Davao Del Norte

Tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱120,000 ang hinihinalang shabu ang nasamsam sa mga suspek.

Sa ngayon, nasa kustodiya na na awtoridad ang mga suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.