NAGA CITY – Nadagdagan ang bilang ng mga babaeng sundalo ng 9th Infantry Division Philippine Army Bicol matapos na masama sa bagong nag-graduate sa Candidate Soldier Course ng Class 779-2023 ang 14 na mga babae na kung saan isinagawa ang graduation ceremony noong nakaraang araw sa Camp Elias Angeles sa Pili, Camarines Sur.
Umabot naman sa 109 ang mga lalaki, kaya nasa 123 lahat ang mga bagong sundalo ng division na handang-handa ng i-deploy sa mga kampo sa Bicol, pagkatapos ng kanilang ilang araw na pagbabakasyon o pamamahinga mula sa halos walong buwan ng rigid training.
Sa datus na inilabas ng Division of Public Affairs Office napag-alaman ng Brigada News Naga na hindi lang mga taga Bicol ang mga ito, kundi may galing pa sa iba’t-ibang mga rehiyon ng bansa, pinakamarami pa rin ang galing sa Bicol, 94 lahat.
Nagbigay naman ng mensahe ang mga opisyal ng division para sa mga bagong sundalo na pinangunahan ni Maj. General Adonis Bajao (BAHAW), Division Commander na naglalaman ng paalala na sana’y maging mabuting kawal ng Gobyerno.