Barangayanihan ng Zambales PPO umarangkada kaninang umaga

ZAMBALES-Umangrangkada kaninang umaga ang BARANGAYanihan ng Zambales Police Provincial office.

Ito ay kahalintulad ng nauuso ngayong Community Pantry sa iba’t ibang panig ng bansa kung saan nagbibigay ng libreng pagkain sa mga labis na nangangailangan at kapos sa kakayanang makabili dahil sa pandemya.

Read More:  26 hurt as modern jeepney and delivery truck collide in Cebu

Ayon kay Pmaj. Bryan Christopher Baybayan, hepe ng Botolan Municipal Police Station, sabay-sabay na nagbukas ang BARANGAYanihan ng mga police station sa lalawigan kaninang alas sais ng umaga.

Read More:  Newborn baby found abandoned in Cebu without clothing

Umabot rin sa mahigit limampu katao ang nabigyan ng Botolan MPS na nakapwesto sa corner ng Sta. Monica St. sa Bgy. Paco.//Jennifer Bayot-BNFM OLONGAPO