Barangay Tanod Code ganap nang ordinansa sa Naga

NAGA  CITY – Ganap ng isang City Ordinance sa Naga City ang Barangay Tanod Code na magbibigay ng higit pang proteksyon, benipisyo at karapatan sa bawat barangay tanod ng lungsod.

Ito’y matapos na pormal ng pirmahan ng mga City Officials sa pangunguna nina Naga City Mayor Nelson Legacion at Vice Mayor Cecilia “Nene” de Asis ang kinapapalooban nitong City Ordinance 2021-033.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Nakapanayam ng Brigada News FM Naga si Konsehal Lito del Rosario na siyang author ng ordinansa sinabing ang bawat barangay ng Naga City ay mag tig-20 mga barangay tanod na kung saan 20% nito ay mga kababaihan, lumalabas na nasa 540 lahat ang mga barangay tanod ng lungsod.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ang honorarium anya ng mga ito at iba pang mga benipisyo ay magde depende sa Internal Revenue Allotment o IRA ng barangay, dagdag na rin ang halagang counter-part ng City Government.

Nilinaw pa ni Del Rosario na mahigpit din ang requirements ng City sa pagpipili ng mga barangay tanod.