Barangay sa So.Cot, national entry ng Soccsksargen sa LTIA

KORONADAL CITY- ISINAILALIM sa national validation ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Barangay Poblacion sa bayan ng Tupi, South Cotabato.

Napag-alaman na ang naturang barangay ang entry ng rehiyon 12 sa Lupong Tagapamayapa Incentives Award o LTIA ngayong taon.

Read More:  Army’s newest Lieutenants include seven from Negros’ CHICKS Area

Ang Lupong Tagapamayapa Incentives Award ang kumikilala at nagbibigay ng parangal sa mga barangay na may magandang performance at implementasyon ng barangay justice at pagresolba sa mga maliliit na problema o hindi pagkakaintindihan sa barangay upang hindi na umabot pa sa korte.

Read More:  Two killed after fuel tanker crashes into roadside food cart in Negros Occidental