Barangay kagawad, patay sa pananaksak sa loob ng bahay nito sa Calapan, Occ. Mindoro

Natagpuang patay at tadtad ng saksak ang isang dentista at barangay kagawad sa loob mismo ng kaniyang bahay sa Brgy. San Vicente Central, Calapan City, Oriental Mindoro.

Ayon sa ulat ng Calapan City Police Station, pasado alas-8:30 ng umaga kahapon nang madiskubre ng kanyang kapatid na wala nang buhay na si Dr. Augustine Bolor Jr.

Nag-iisa lamang daw talaga ang biktima sa kanyang bahay.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, malaki ang posibilidad na pagnanakaw ang motibo sa krimen.

Posible rin daw na kilala ng biktima kung sino ang mga magnanakaw at pumatay sa kanya.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *