Hindi na pinagbigyan ng Barangay Ginebra San Miguel ang Bay Area Dragons sa winner-take-all Game 7 laban sa Bay Area Dragons , 114-99 para angkinin ang korona ng 2022 PBA Commissioner’s Cup sa Philippine Arena sa Bulacan.

Ang titulo ay ika-15 sa pangkalahatan ng Ginebra mula nang sumali sa liga habang ito ang ika-25 kampeonato ni Tim Cone sa kanyang PBA head coaching career.
Nakuha naman ni Christian Standhardinger ang kanyang kauna-unahang PBA Finals MVP award
Nanguna si Justin Brownlee na may 34 points.
Samantala Umabot sa 54,589 na mga fans sa Philippine Arena. Binasag nito ang dating record na 54,086 noong 2017.