Banta ng China na mang aresto ng mga “foreigners” na papasok sa kanilang teritoryo, hindi katanggap-tanggap – PBBM

Unacceptable.

Ganito inilarawan ni Pangulong Bongbong Marcos ang banta ng China na huhulihin ang mga foreigners na manghihimasok sa kanilang teritoryo sa South China Sea.

Read More:  Ridon calls for probe into pro-Duterte, pro-China personalities

Sinabi ito ng Pangulo sa sidelines ng alliance signing sa pagitan ng Partido Federal ng Pilipinas at Nationalist Peoples Coalition nitong Sabado.

Anya, ang mga ganitong aksyon ay hindi katanggap-tanggap para sa Pilipinas.

Read More:  Padilla urges critics to meet Chinese Ambassador Jing Quan personally

Bagaman hindi na nagbahagi ang Pangulo ng mga operational details, siniguro naman nitong gagawa ng hakbang ang gobyerno upang protektahan ang mga mamamayan.