Bankers Association, hinimok ang publiko na maging mas vigilant laban sa cyberattacks

Nanawagan si Bankers Association of the Philippines president Jose Arnulfo “Wick” Veloso sa publiko na maging mas-vigilant laban sa cyberattacks.

Ito ay matapos mapaulat ang pangha-hack sa online banking ng ilang kliyente ng BDO, kung saan ay nagkaroon umano ng mga hindi otorisadong fund transfer.

Read More:  DA urges Filipinos to stop wasting rice as PhilRice says 10.85 million sacks are wasted yearly

Iginiit sa pahayag na walang mabibiktima ng cybercrime o pagnanakaw kung hindi nila ibabahagi ang kanilang mga personal na impormasyon tulad ng One-Time Password sa iba.

Samantala, kinilala na ng BDO Unibank Inc., ang nangyaring pambibiktima sa ilan nitong mga kliyente.

Read More:  Torre defends Marikina River payloader operation

Tiniyak ng BDO na ire-reimburse nito ang mga nawalang pera ng mga apektado nitogn kliyente habang patuloy na pinaiigting ang kanilang cybersecurity efforts.