Bangka ng China sa Ayungin Shoal, pinalayas ng mga sundalong sa BRP Sierra Madre

Pinalayas ng mga tropa ng sundalo na nakadestino sa BRP Sierra Madre ang mga maliit na bangka ng China na natuklasang nangongolekta ng water samples sa bisinidad ng Ayungin shoal.

Sa ulat ng Armed Forces of the Philippines, , nagbaba ng apat na sampans o maliliit na bangka ang namonitor na 3 Chinese Research and Survey Vessels na may bow numbers: 3301, 20027, and 20030 sa Ayungin Shoal noong April 21.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Pinapaandar ito ng 6 na indibidwal bawat isa bukod pa ang rigid hull inflatable boat ng China.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

1000 yards lamang ang layo ng mga ito sa nakasadsad na BRP Sierra Madre.

Hindi pa tukoy ang dahilan ng pagkuha ng water samples ng mga ito.