Bangka lumubog sa Camarines Sur, mga sakay narescue

CAMARINES SUR- Maswerteng nakaligtas ang mga sakay ng bangkang de motor na lumubog sa karagatang sakop ng Mapid Lagonoy, Camarines Sur na mula sa Tambang, Tinambac nitong Miyerkules, Abril 12, 2023.

Nang may makakitang residente, mabilis na nakapagrescue sina Barangay Kagawad Dante Castor at Ryan Bueno. Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Bueno , sinabing naabutan nila ang mga pasaherong nakahiwalay na sa bangka, gamit ng pitong mga sakay ang mga walang laman na container; inalis ang mantika at diesel upang may magsilbing salbabida.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Isinakay sa dalawang bangkang nagrescue ang mga pasaherong kinabibilangan ng senior citizen, dalawang bata at apat na nasa hustong gulang kabilang na ang bangkero.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Kuwento ng bangkero kay Bueno, hindi nila namalayan na natuklap ang bahagi ng bangka.

Nanatili muna sa tahanan nina Kagawad Castor ang mga sakay bago tuluyang makauwi sa Barangay Sipaco sa parehong bayan kinaumagahan.

Pinasalamatan ng mga kaanak ang mga narescue ang pagmamasakit ng mga residente ng Mapid.