Banal na pag-aayuno kaugnay ng paggunita ng Ramadan sa komunidad ng Muslim sa Naga City, nagsimula na

NAGA CITY Nagsimula na ngayong araw, ang pakikiisa ng komunidad ng Muslim sa lungsod ng Naga sa banal na pag-aayuno kaugnay ng paggunita ng Ramadan. Ayon kay Zubair Ditucalan, isang Imam, kabilang na dito ang pag-aayuno o ang  hindi pagkain sa takdang panahon, maging paglimita sa asal at ginagawa.

Read More:  30 arrested in raid on alleged Atong Ang-linked e-sabong hub in Negros Occidental

Dagdag pa ng Imam, hindi inuobliga ang mga bata, at nasa edad labing dalawa ang inuobligang magdasal at magsagawa ng banal na pag-aayuno.

Panawagan naman nito sa mga kapwa Muslim na pangalagaan at makiisa sa paggunita ng Ramadan.

Samantala, ayon kay Mike Mustapha ang Federation Presidente ng Camarines Sur Muslim Community at Head ng Muslim Affairs Office sa Naga City, inaasahan nila na nasa siyamnaput limang porsyento ng mga kapwa Muslim, bata man o matanda ang makiisa sa nasabing banal na aktbidad kabilang na ang mga kapatid na Muslim sa mga bayan ng Goa sa Partido Area,  at Nabua sa Rinconada Area.

Read More:  Woman weeps as husband carries her to safety amid Negros town clashes