‘Balanced position’ ng China sa Ukraine-Russia war kinilala ni Putin

Kinilala ni Russian President Vladimir Putin ang “concern” ng China sa usapin ng Ukraine kasabay ng kanyang pasasalamat sa “balanced position” nito sa usapin.

Sinabi ni Putin na pinahahalagahan nila ang posisyon ng China sa Ukraine crisis sa kanilang paghaharap ni China President Xi Jinping.

Read More:  Pope Leo XIV rests well as he recovers from lung surgery

Ayon kay Putin, iginagalang niya ang mga inilatag sa kanya na katanungan ni President Xi kung saan kampante siyang naipaliwanag niya nang maayos ang kanilang posisyon hinggil sa Ukrian invasion.

Read More:  Six dead, thousands without power after hurricane Isaias hits Florida

Sina Xi at Putin ay nagpulong sa sidelines ng Shanghai Cooperation Organization summit sa Samarkand sa Uzbekistan.

Matatandaan na ang summit ang ikalawang biyahe pa lang ni Putin sa ibang bansa mula nang lusubin ng kanyang tropa ang Ukraine noong Pebrero.