Bakunang Janssen ilalaan ng DOH Bicol sa mga unvaccinated individuals na nakatira sa isolated disavantaged areas

BICOL- Inihayag ng Department of Health Bicol Center for Health Development na prayoridad ng ahensya na maibigay sa mga unvaccinated individuals na nakatira sa isolated areas ang mga bagong dumating na bakunang Janssen.

Sa abisong ibinaba ng DOH BICOL CHD sa publiko kahapon, ang naturang bakuna ay ilalaan sa mga hindi pa bakunadong indibidwal na edad 18 taong gulang pataas.

Read More:  21-year-old  arrested over alleged online school shooting in Cebu

Muli rin nitong ipinaalala na ang bakunang Janssen ay hindi maaring ipanhalili at gamitin bilang second dose o booster shot ng mga una ng nabakunahan kontra COVID 19.

Read More:  Religious beliefs influence family planning decisions among some Muslim families – CRMC

Patuloy naman na hinihiling ng ahensya ang kooperasyon ng publiko na makiisa sa laban ng bansa kontra sa hawaan ng virus. Payo nito na samantalahin na ang abelableng bakuna sa mga vaccination sites at iwasan ang pamimili ng brands ng COVID- 19 vaccine. ///sfb