Bahay, tinupok ng apoy; Traysikel, kuliglig,naabo rin

Isang sunog ang sumiklab kaninang umaga sa Brgy. San Antonino, Burgos, Isabela kung saan tinupok ng apoy ang isang bahay.

Sa panayam ng Brigada News Team kay Lenlen Gallarde, nakasaksi sa insidente, bandang alas-11:50 aniya nang makita niyang may nasusunog.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Nagtulong-tulong din ang mga residente upang maapula ang sunog habang hinihintay ang pag-responde ng mga bumbero.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Kaugnay nito, maging ang traysikel at kuliglig na naka-park sa bahay ay natupok din ng apoy.

Sa ngayon ay hindi pa nalalaman kung magkano ang kabuuang halaga ng nasunog, maging ang sanhi nito.