Bahay sa Lopez, Quezon, nasunog dahil sa clip fan

Sumiklab ang sunog sa isang residential house dahil umano sa clip electric fan sa Barangay Jongo, Lopez, Quezon nitong Sabado, Hulyo 6.

Read More:  Former NPA member surrenders, leads army to weapons cache in Iloilo

Ayon sa report, bandang alas-9:00 ng umaga nagsimula ang sunog habang idineklara itong fire-out dakong alas-9:30.

Tinatayang aabot sa halagang ₱630,000 ang halaga ng pinsala ng naturang sunog habang wala namang nasaktan o nasugatan.

Read More:  Nearly a year after Tino, home remains out of reach for 115 La Castellana families

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.