Bahay ng dating comedian actor na si Mura sa Ligao City, nasunog; pamilya, humihingi ng tulong

LEGAZPI CITY – Nasunog ang bahay ng dating comedian actor na si Mura o kilala sa totoong buhay bilang si Allan Padua sa Purok 3, Sitio Abibling, Barangay Tupas, Ligao City, Albay.

Ayon kay Mura, wala umanong naisalba ang kanyang pamilya na anumang gamit kung kaya’t humihingi ito ng tulong at kasalukuyang namamalagi sa waiting shed sakanilang brgy.

Sa ngayon ay nakikipag ugnayan na ang National Housing Authority (NHA) para i-validate ang nasabing pamilya para mabigyan ng bahay ang mga nasunugan.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa nasabing insidente ng sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *