Bagyong Julian – lalo pang lumakas

Isa nang ganap na tropical storm ang Bagyong Julian.

Sa 11am bulletin ng PAGASA – huling namataan ang sentro nito sa layong 465 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.

Read More:  DepEd prepares flexible learning rules for Super El Niño

Lumakas pa ang taglay nitong hangin sa 65 kilometro kada oras, at bugsong aabot ng 80 kilometro kada oras.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, northern and eastern portions ng Isabela, Apayao, at Ilocos Norte.

Read More:  Remulla names former BTA member as alleged financier in Laos drug shipment

Inaasahang patuloy pa itong lalakas at hindi rin isinasantabi ang posibilidad na maging isa itong super typhoon.