Bagong traffic scheme sa Daraga night market, ipinatupad na

LEGAZPI CITY – Ipinatupad na ng Lokal na gobyerno ng bayan ng Daraga, Albay ang bagong traffic scheme para sa night market sa nasabing bayan.

Base sa inilabas na amended Executive Order No. 13-A ni Mayor Awin Baldo, isasarado na muna ang kabuuhang na T. Perez St. mula 7 ng gabi hanggang alas- singko ng mag-uumaga.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Ginawa naman na two-way para sa mga motorista ang J.P. Rizal St.

Ninanais ng executive order na mas masilbihan ang mga nagtitinda at mamimili upang maluwag ang kanilang dadaanan at komportableng lugar.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Ayon sa LGU, ang naging rekommendasyon ay base sa naging ebalwasyon at mga suhestyon ng publiko.

Ayon naman kay OIC market administrator, Jasper Dugan, nagpaabot ng kasiyahan at pasasalamat ang mga vendors na nabigyan ang mga ito na maluwag na lugar at maayos na pagtitindahan.