Bagong stainless logo ng BFAR 3 pinasinayaan

Pinasinayaan ang bagong stainless na logo ng Bureau of Fisheries and Acquatic Resources Region 3.

Kasabay ito sa naging pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng ahensya nitong Lunes.

Read More:  Man killed in alleged stabbing by 15-year-old nephew in Cebu

Naglaan din ng pasilyo ang ahensya upang bigyang pugay ang mga naging pinuno ng nasabing tanggapan sa loob ng mahigit pitong dekada.

Ayon kay Regional Dir. Wilfredo Cruz, magsisilbing tanda ng serbisyong may integridad ang mga pinasinayaang marker.

Read More:  Historic church bell stolen in Bohol, one suspect arrested

Samantala, nagkaroon rin ng misa ng pasasalamat ang BFAR3 kasabay ng mga nasabing pagpapasinaya.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo: BFAR Central Luzon