Bagong presidente ng Bicol University, kinilala na

LEGAZPI CITY – Pormal nang idineklara kahapon, Marso 3, na mayroon nang bagong uupo bilang president ng Bicol University sa lalawigan ng Albay.

Sa impormasyon mula sa pamatasan, ipinakilala na nito si Dr. Baby Boy Benjamin D. Nebres III bilang bagong presidenteng mamumuno sa loob ng ilang taon.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Bago ang paglalagay sa kanya sa nasabing posisyon, nagkaroon muna na ng serye ng mga gawain katulad ng presentation, mga panayam, deliberasyon at iba pa kasama ang ilang mahahalagang personalidad sa loob ng pamantasan, mag-aaral at maging sa labas mito katulad ng midya upang lubos na kilalanin kasama ang ilan pang mga kandidato.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Kung matatandaan, siya ang pumalit kay Dr. Arnulfo Mascariñas na namuno sa pamantasan sa loob ng walong taon sa dalawang termino.