NAGA CITY – Nai-turn over na kahapon sa Lokal na Pamahalaan ng Goa, Camarines Sur ang bagong Multipurpose Evacuation Center mula sa PAGCOR o Philippine Amusement and Gaming Corporation.
Kung saan two storey building ito, na maaaring gamitin at pakinabangan sa ibang mga proyekto ng Lokal na Pamahalaan, kompleto rin sa mga silid, kagaya ng may kusina, may ilang comfort room maging para sa mga Persons With Disabilities, may silid din para sa mga lactating mother o nagpapabreast-feeding.
Ayon kay Ramon Stephen Villaflor, Vice President for Corporate Social Responsibility Group ng PAGCOR, umabot din sa P50-M ang nagamit na pondo para sa proyekto, ika 31 na na itong evacuation center na inaugurate nila sa buong rehiyon ng Bicol, ang iba hindi pa tapos at tuloy pa ang construction , mahalaga ang ganitong proyekto lalo na isa ang Bicol Region sa madalas daanan ng mga kalamidad, ang bayan naman ng Goa ay isa rin sa mga madaling bahain.
Laking pasasalamat naman ni Mayor Marcel Pan at sinabi na rin na ang ibang bahagi ng gusali ay napagkasunduang gawing classroom para sa Goa Community College, pansamantalang lalagyan ng mga non-permanent partition, at ipinangako na ring makakaasa ang PAGCOR na aalagaan ito lalo na’t para ito sa mga kababayang mangangailangan ng pansamantalang tahanan kapag nagkaroon ng mga kalamidad.