Nais i-extend ng bagong kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na si Secretary Erwin Tulfo ang kontrata ng mga empleyado na nasa ilalim ng Contract of Service (COS).
Ayon kay Tulfo, nais umano ni President Marcos na walang maiiwan at lahat ay sama-samang aangat bilang parte ng pandemic recovery sa bansa.

Aniya, tinanggap niya ang hamon na pagsilbihan ang mga kababayang mahihirap kung saan tinawag niya itong isang misyon.
Samantala, pinasalamatan ni Tulfo si outgoing DSWD Secretary Rolando Bautista sa liderato nito sa gitna ng COVID-19 pandemic at natural calamities sa Pilipinas. (ARGIE ERGINA)