Bagong Binibining Pilipinas International, kinoronahan

Kinoronahan na ang bagong Binibining Pilipinas International 2024 na si Myrna Esguerra ng Abra kagabi, na inwui rin ang Best in Swimsuit at Best in Evening Gown sa nasabing kompetisyon.

Tinanghal naman bilang Binibining Pilipinas Globe 2024 si Jasmine Bungay ng Pampanga habang 1st runner-up si Christal Dela Cruz ng Zambales at second runner-up Trisha Martinez ng Pila, Laguna.

Ang coronation night ay dinaluhan ng mga dating Binibining Pilipinas titleholders at isa-isang rumampa muli sa stage.

Kabilang dito sina Miss Suprational 2013 Mutya Datul, Miss Interconinental 2021 Cindy Obenita,, Miss International 1979 Melanie Marquez, Miss International 2013 Bea Rose Santiago, at Miss International 2016 Kylie Verzosa.

Rumampa rin sa stage sina Miss Universe 1969 Gloria Diaz, Miss Universe 1973 Margie Moran, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, at Miss Universe 2019 Catriona Gray.

Kakaibang performance level naman ang pinakita ng SB19 kasama sina Gary Valenciano, Martin Nievera, TJ Monteverde, at Maki. (BRIGADA NEWS INTERN-RAUVIC CIFRA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *