Bagong automated weather stations malaking tulong sa pagbibigay ng mas komprehensibong datos ng panahon

Malaking tulong umano sa pagbibigay ng mas komprehensibong datos ng panahon ang mga bagong automated weather instrument o stations sa lalawigan ng Sorsogon.

Ayon sa Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (SPDRRMO), mas detalyado at mas accurate na ngayon ang nakukuha nilang datos kaugnay sa lagay ng panahon dahil sa mga bagong weather instruments sa buong lalawigan.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Aniya, namomonitor nila ng mas malawak at mas maaga ang posibleng banta ng sama ng panahon sa lalawigan at agad na naibabahagi sa publiko para sa maagang paghahanda.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ang nasabing mga automated weather instruments ay nakabase sa mga bayan ng Gubat, Pto Diaz, Sta Magdalena, Bulan at sa bayan ng Pilar.