Babae, arestado matapos buhusan ng asido sa mukha ang isang building administrator sa Pasay City

Arestado ang isang 26 anyos na babae matapos niyang buhusan ng asido sa mukha ang isang building administrator sa Pasay City.

Kinilala ng Pasay City Police Station ang suspek na si Desiree Torres na naaresto naman sa Malibay, Pasay.

Sinabi ng pulisya na nangyari ang insidente sa loob ng Dasman Residence.

Nawalan umano ng paningin ng 32-anyos na biktimang si Ludilee Suazo matapos buhusan ng suspek ang biktima ng muriatic acid sa mukha.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang dahilan o motibo ni Torres sa kanyang ginawa.

Nahaharap na ngayon sa reklamong serious physical injury ang nabanggit na suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *