Awtoridad, inihahanda na ang reintegration program ng dalawang NPA na sumurender sa Sorsogon

Inihahanda na ng mga awtoridad ang financial grants sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-Clip) at reintegration sa mainstream society para sa dalawang rebelde na kamakailan ay nagbalik loob sa pamahalaan.

Kinilala lamang ang dalawang rebel returnees sa kanilang alyas na Randy, miyembro ng L1,KP2 sa ilalim ng Nerissa San Juan Command at alyas Abel ng L2, KP3 sa ilalim ng Celso Menguiz Command.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ang pagsurender ng mga ito ay sa pamamagitan ng collaborative efforts ng Sorsogon 2nd PMFC, 903rd CMO Coy, 9CMOBn at ng Sorsogon CPS.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Umaasa naman ang pamunuan ng PNP-Bicol na sa mga susunod na araw ay mas marami pang miyembro ng NPA ang magsusurender kasabay ng kanilang pagpapaigting ng operasyon gamit ang four-fold security framework ng C,PNP na MKKK o ang ‘Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran.’