CAMARINES NORTE- Nananatiling Zero active case sa COVID-19 ang bayan ng Daet sa loob ng halos tatlong linggo simula nitong March 9, 2022
Ang naturang bayan ang syang nangunguna sa may pinakaraming naitalang kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte na umabot sa 1,340
Sa pinakahuling report ng Daet IMT na may petsang March 29, 2022, nananatili sa low risk area ang COVID-19 cases sa 25 Barangay
Sa ipinalabas na datus ng emergency operations Center, 0 % na ang average daily attack rate ng COVID-19 sa naturang bayan
Nasa 1,272 na ang mga pasyenteng gumaling sa sakit habang 68 ang mga nasawing positibo sa COVID-19 at 35 ang nasawing COVID Pneumonia Suspect/Probable
Samantala, Sa summary of COVID-19 cases per Barangay , pinakamaraming kasong naitala ang Brgy Camambugan na may 130, sinundan ito ng Lag-on na nakapagtala ng 124 at Magang na umabot sa 106 ang Covid-19 cases
