Authentication System para sa PhilID inilunsad ng PSA

Inilunsad ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang PhilSys Check o authentication system para sa PhilID.

Sa pamamagitan nito ay matutulungan ang mga establisyemento na mapabilis ang authentication process sa bawat transaksyon ng PhilID cardholder.

Ang PhilSys Check ay isang website na gumagamit ng public-private key cryptograph para ma- verify ang authenticity ng PhilID card at ang data na naka- store sa QR code.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ang system ay available sa android smartphone devices at laptop o desktop na may Windows 11 o MacOs High Sierra.

Mangyari lang na pumunta sa verify.philsys.gov.ph

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Mababatid na mahigit na sa  35,000 CamNorteños ang nakatanggap na ng kanilang national o PhilSys ID.

Nakapagrehistro naman ng 31, 530 indibidwal ang PSA Camarines Norte para sa Step 2 Registration as of March 31, 2022.

Mula 2021 umabot na sa 423, 965 na mga taga Camarines Norte ang nakapagparehistro na sa PhilSys.