August 14, idineklara ng Malacañang na special non-working day sa Mawab, Davao de Oro

Idineklara ng Malacañang ang special non-working day sa bayan ng Mawab, Davao de Oro sa darating na August 14.

Ito’y kaugnay sa pag diriwang ng naturang bayan ng kanilang founding anniversary.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Ang deklarasyon ay sa bisa ng proclamation number 628.

Ayon sa Malacañang, nararapat lang na mabigyan ng pagkakataon ang mga taga Mawab na makiisa at i-celebrate ang naturang pag diriwang.

Read More:  Labor coalition criticizes Senate leadership Change

Samantala, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang proklamasyon nitong July 11.