Augmentation sa mga Barangay Health Worker na ibinibigay ng probinsiya dodoblehin sa 2024

CAMARINES NORTE – Dodoblehin ng probinsiya ang augmentation na ibinibigay sa mga Barangay Health Worker sa 2024.

Ito ang inihayag ng kinatawan ng Provincial Health Office sa ginawang Quarterly Meeting ng mga Municipal Health Officer, Rural Health Physician at iba pang stakeholders na ginanap sa isang hotel dito sa bayan ng Daet kahapon.

Ayon sa PHO, P250 kada buwan ang augmentation ng probinsiya sa BHW’s pero taunan itong ibinibigay na nagkakahalaga ng P3,000.

Ang pag doble ng tinatanggap na augmentation ng mga BHW ay itinulak ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sa sa nakaraang first quarterly meeting ng Local Health Board.

Batay sa datos mayroong 1, 313 na BHWs sa buong probinsiya ng Camarines Norte.

Sa bilang na ito 1, 008 ang accredited, 190 registered at  mayroon ding 23 naghihintay pa lang na maipasok sa local health board.

Kung titingnan umano ang ratio mayroong 114 households na hinahawakan ang isang BHW.

Ang mga BHW ay may tinatanggap na honorarium mula sa Municipal LGU.

Pero ang nakakalungkot  ay  hanggang ngayon mayroon pa ring mga bayan na ang ibinibigay lang na honorarium sa BHW ay P83 kada buwan.

Ang may pinakamalaki namang natatangap ang BHW ay sa bayan ng Labo na P3, 500 hindi pa kasama ang honorarium mula sa Barangay.

Mayroon namang mga bayan na ang ibinibigay lang na honorarium sa mga BHW ay P300 hanggang P333 kada buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *