NAGA CITY- Ipunatupad ang Asynchronous classes mula Mayo 10 hanggang kahapon Mayo 12 , pinalawig din ang araw ng pasahan ng mga gawain sa paaralan hanggang sa Mayo 14 araw ng Sabado sa Ateneo De Naga University.
Ito ay para mawala o makarecover sa emotional distress dulot ng umano ng halalan hindi raw kasi ito magandang timing para sa class activities gayung nabigla ang mga estudyante sa sistema at resulta ng eleksyon.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga sa graduating student na si Yumsil Delfino sinabi nitong ambilis ng resulta samantalang may mga aberya sa vote counting machines at batid namang mabagal ang internet connection sa bansa.
Dagdag nito punong-puno na ng emosyon ang social media, nagpapalitan ng mga opinyon ang mga supporters ng mga kumandidato lalo na ang mga taga suporta ng dalawang mahigpit na magkatunggaling si VP Leni Robredo at Presumptive President Bongbong Marcos Jr.
Bukod pa rito marami rin ang naguguluhan sa mga mal-information o mga impormasyong pinapakalat para manira ng mga indibidwal.
