Asosasyon ng dating mga rebelde sa San Mariano, nakatanggap ng tulong pangkabuhayan

Nakatanggap ng tulong pangkabuhayan ang Salaknib Former Rebels Integrated Farmers Association (SARIFA) ng San Mariano, Isabela mula sa 95th Infantry SALAKNIB battalion katuwang ang National Commission on Indigenous People o NCIP.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, ilan sa natanggap ng mga dating rebelde ay libreng binhi ng mais, abono at kagamitang pnasaka tulad ng pala at panabas.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Major Oscar Blanza (INF) PA ang executive officer ng 95th Infantry SALAKNIB battalion kautang ang NCIP District II sa pangunguna ni OIC Divine Acoba RN II at presidente ng nasabing asosasyon na dating mataas na lider ng NPA na si Alberto Estaquio.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Nagpasalamat na.an si Estaquio sa mga ahensiya ng pamhalaan sa patuloy na pagbibigay ng tulong at suporta sa mga dating rebelde.

Tiniyak naman ng SALAKNIB battalion na magpapatuloy ang kanilang pagbibigay ng tulong sa SARIFA upang masuportahan añg kanilang pagbabagong buhay at paniniwala sa pag-asang bigay ng pamahalaan.