Army Brigade sa Sorsogon nagsagawa ng forum hinggil sa ‘resource generating activity’ ng CTG

Isinagawa ng 903rd Infantry Brigade ang isang forum na may pamagat na ‘Preventing CTG Resource Generation Forum 2023’ na ginanap sa kanilang headquarters sa Brgy San Rafael, Castilla, Sorsogon.

Ang forum ay isinagawa upang mapataas ang kamalayan ng mga kontratista na sakop pa ng 903 Bde area of responsibility (AOR) tungkol sa dynamics ng Communist Terrorist Group (CTG) sa paglilikom ng pondo partikular sa mga business sectros, kabilang ang infrastructure-project contractors.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

Nilalayon din ng aktibidad na ipaalam sa mga kalahok sa forum ang mga epekto ng pagsuporta sa CTG alinsunod sa partikular na batas at patakaran ng pamahalaan.

Matatandaan na nilantad noon ng dating CPP cadre na si Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz na ang malalaking contributors na kinokotongan, ini-extort ng CTG ay ang dalawang kumpanya sa telecommunications.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Tahasang binanggit ni Celiz ang Smart at Globe communications kasama ang Triple A contractors na gumagawa ng mga kalsada, fly-over, airport, pantalan at mga proyekto na bilyon-bilyon.

Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng 22nd Infantry Battalion, 31st Infantry Battalion, 2nd District DPWH Albay, 1st at 2nd District DPWH Sorsogon, National Intelligence Coordinating Agency Region 5, at mga contractors mula sa lalawigan ng Sorsogon, at 2nd District ng Albay.